Feild Study
Autor: goude2017 • April 17, 2018 • 3,778 Words (16 Pages) • 1,334 Views
...
Ang Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madaling salita, Tagalog ang napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil sa kapansanan; samantalang si Butu ay namatay nang di-inaasahan.
Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940. Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino (Filipino National Language) bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946. Gayunman, noong 1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas Philippine Executive Commission ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang kapuwa Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Nagwakas ang gayong ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon. At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-saring seminar ang idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP (1941–1946). Pinasimulan noong panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang Diksiyonaryong Tagalog. Lumikha ng mga talasalitaan sa mga espesyalisadong larang ang termino ni Cirio H. Panganiban, halimbawa sa batas, aritmetika, at heometriya. Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit nang ilang beses bago naging opisyal noong 1956, at binuo ang Panatang Makabayan noong 1950. Ipinatupad ang Linggo ng Wika, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang Marso tungong Agosto.
Ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog ay ang Doctrina Cristiana (Christian Doctrine) noong 1593. Ito ay nakasulat sa Espanyol at dalawang uri sa Tagalog; ang una ay nakasulat sa Baybayin at ang isa naman ay sa titik Latin. Ang tagalog ay salitang hinango sa taga-irog dahil kilala ang pangkat ng kayumangging ito sa pag irog sa sinisintang kabiyak at pagiging tapat din sa pakikipag ugnayan sa pinili niyang makasama sa buhay.Ito ay batay sa nakaraang kaganapan nang ang mga tao ay may higit pang katinuan at takot sa Dios may kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang tagalog "mahirap mamangka sa dalawang ilog/irog?.Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung gaano katanda ang wikang ito,subalit may dokumento o kasulatan na nakalimbag sa tanso na nagpapatunay na ang isang matandang uri ng wika na pinagmulan ng wikang tagalog ay umiiral at ginagamit na mahigit isang libong taon nang nakalipas!Ito ang sulat sa tanso ng laguna ng taong 822 A.D. na patuloy pang inuusisa at pinag aaralan ng mga nagdalubhasa sa wika.Ang mga katutubong wika sa pilipinas ay ipinalagay na sangay na kauri ng wikang tagalog at ang mga ito ay patuloy paring gamit sa bawat rehiyon at mga lalawigan ng bansa.Nang dumagsa ang mga espaniol sa kapuluan ng bansang ito, nasumpungan nila na may kabihasnan na dito na may wika,panulat na baybayin at mga payak na lipunan na may pinuno ang bawat pangkat o baranggay na tinawag na Datu. Sa pagtuturo nila ng kaalaman mula sa Europeo, nahubog ang kaisipan at kulturang pilipino sa kaisipang dayuhan at nagpatuloy ito hanggang sa pagdagsa dito ng Amerikano at hapon sa paglipas ng mga panahon. Sa kabila ng inpluwensiyang ito, Ang wikang tagalog pa rin ang kinilalang pambansang wika nakalalamang sa ibang dialekto at maging sa wikang Ingles at wikang Español dito sa ating bansa.
Diyalektong Bisaya
Sa mga katutubong wikaing umiiral sa bansa ang diyalektong Bisaya na tinatayang humigit tatlumpo (30) wika ang bumubuo sa pamilyang bisaya, sa larangan ng daludwika, ay kasapi ng pamilyang Pilipino ang wikang bisaya o diyalektong bisaya na kung saan kabilang din ang tagalog at bikol. Ang diyalektong bisaya ay may pinakamaraming tagapagsalita ay ang Cebuano milyong tao bilang katutubong wika sa gitnang kabisayaan at sa hilaga at silangan ang bahagi ng Mindanao. Dalawa pang mga nangungunang wikang bisaya ay Hiligaynon na sinasalita ng (7) milyo sa kanlurang bisayaan at ang Waray-waray, sinasalita ng (3) milyon sa silangang kabisayaan na umiiral sa bansa ng may maraming bilang ng mga tagapagsalita.
Ayon kay Vicente C. Villan ang Bisaya sa pangkalahatang tawag sa wika at mga mamamayang Filipino na naninirahan sa kalagitnaang bahagi ng Kapuluang Filipinas. Ilan sa pangunahing pulo na sakop ng Kabisayaan ngayon ay Panay, Negros, Cebu, Leyte, at Samar. Bagama’t may maliliit ding pulo sa palibot ng mga islang ito, masasabing ang mga ito pa rin ang nagsisilbing pinagmulang pook ng mamamayan ng mga munting isla maging sa Timog Mindoro, Palawan, Mindanao, at mga pulo sa Katimugang Filipinas pati na ang Isla ng Borneo (Harrison 1956, 43-47). Bilang pangetnikong klasipikasyon, may mga tukóy nang terminong ginagamit sa pagkakilanlan ng mga Bisaya sa partikular sa mga pulong pinanggagalingan. Ang mga mamamayang nagmula sa Panay ay kolektibong tinatawag ngayon na Panaynon/ Panayanon/Panayanhon bagama’t may kani-kanila ring pagkakilanlan ang mga ito depende sa kanilang probinsiya. Halimbawa, Aklanon ang tawag sa mga nagmula sa lalawigan ng Aklan (Carroll 1959, 42). Capiznon ang nagmula sa Capiz; habang Ilonggo naman ang pantukoy sa mga mula sa lalawigan ng Iloilo. Gayunman, matatawag ding Ilonggo ang mga nagmula sa kanlurang Kabisayaan pati na ang nasa katimugang Mindoro, Tablas, Romblon, Sibuyan, at timog-kanlurang Masbate (Carroll 1959, 42). Kinaray-a o Hamtikanon naman ang nasa looban at kanlurang baybayin ng mga kabayanan ng Panay. Samantala, Negrosanon naman ang tawag sa mga tubong Negros; habang Guimarasnon ang mga nagmula sa lalawigan ng Guimaras. Ngunit, inaari na rin nilang Ilonggo sila bilang kolektibong pagpapaloob sa mas kilala at asensadong lalawigan
...