Essays.club - Get Free Essays and Term Papers
Search

Rizal Para Sa Mga Milenyal (filipino)

Autor:   •  October 29, 2017  •  870 Words (4 Pages)  •  1,056 Views

Page 1 of 4

...

pagbabago. Sa henerasyon ngayon, nakakalungkot man isipin, marami sa atin ang wala sa kamalayan ang mga nangyayari sa ating bansa. Marami sa atin ang hindi nakaaalam kung ano nga ba ang ating estado at kung ano nga ba ang dapat nating gawing aksyon. Sa pamamaraan ni Rizal, unti-unting napupukaw ang mga Pilipino sa damdaming nasyonalismo. Bilang pagiging positibo, hindi niya itinaguyod ang marahas na pagsasagupa laban sa mga Kastila. Naniniwala siya na ang isang mapayapang solusyon ay maaaring makamit sa pamamagitan ng reporma. Subalit sa umiiral na kalagayan ng panahon na iyon, nakita natin na hindi kayang isakatuparan ang nabanggit na mithiin. Sa aking pananaw, naging mas praktikal sana siya. Nakatulong sana siya sa rebolusyon sa pamamagitan ng deretsahang pagtulong kina Bonifacio at sa mga namumuno ng Katipunan kahit papaano.

Sa kabilang dako, marami ring mga hindi magagandang epekto ang buhay niya at kanyang mga sulatin. Imbes na Tagalog, unang wika na natutunan ng mga indio mula sa pagkabata, ang ginamit niya sa pagsusulat ng kanyang mga tula at nobela ay wikang Espanyol. Mas makakaabot sa mga nakararaming Pilipino ang kanyang mensahe kung Tagalog ang kanyang ginamit. Bilang isang Pilipino, mas magandang gamitin natin ang ating sariling wika sapagkat ito’y nagpapakita ng pagmamahal sa sariling bansa. Higit pa roon, sa kanyang pagiging positibo, siya naman ay napasobra. Minsan kailangan nating tanggapin sa ating mga sarili ang katotohanan na mayroon talaga tayong mga hinahangad na hindi natin matatamo. Gayunpaman, isa sa pinakaayaw ng mga babaeng katulad ko ay ang pagiging babaero ni Rizal. Si Rizal ay isang babaero; may mga kasintahan siya saanmang lugar siya magtungo. Ito ay hindi isang magandang ehemplo sa henerasyon ngayon lalo na sa mga kabataang lalaki.

Pero kahit na ganon, mas marami pa ring magagandang epekto ang kanyang buhay at mga sulatin sa atin kung kaya’t siya ang naging pambansang bayani ng Pilipinas. Dapat ipagpatuloy natin ang pag-alala kay Rizal, nang sa gayon ay mas mapabuti ang mga epekto ng kanyang buhay at mga sulatin sa henerasyon natin at sa mga susunod pang henerasyon. Lalo natin itong pagbutihin sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kanyang araw ng paggunita, pagbisita sa mga makasaysayang lugar kung saan naroon ang kanyang memorabilya, pagkakaroon ng mga panayam, palabas at pelikula tungkol sa kanya at iba pa. Ipagpatuloy din natin ang pagkilala sa kanya bilang bayani at higit sa lahat wag nating kalilimutan na siya rin ay isang karaniwang tao kagaya natin.

...

Download:   txt (5.4 Kb)   pdf (58.9 Kb)   docx (9.9 Kb)  
Continue for 3 more pages »
Only available on Essays.club