Mga Sanhi Ng Paninilaw Ng Ngipin at Ang Mga Implikasyon Nito Sa Sosyal, Emosyonal, at Pisikal Na Aspeto Ng Buhay Ng Mga Piling Estudyante Sa Ceu Makati Gp
Autor: Maryam • November 19, 2017 • 3,286 Words (14 Pages) • 2,810 Views
...
Matanda man o bata ay nakararanas ng paninilaw ng ngipin. Hindi ito maiiwasan dahil ang mga kinakain natin ang isa sa mga sanhi nito at depende na rin ito sa paraan ng pagsisipilyo. Marami ang nagsasabi na ang pagkakaroon ng madilaw na ngipin ay isang indikasyon na matibay at malusog ito. Ngunit, maganda nga ba ang pagkakaroon ng madilaw na ngipin? Maganda, Oo dahil gaya nga ng unang nabanggit, ito ay nangangahulugang matibay pero may hindi rin itong magandang naidudulot sa tao. Maaari kang matukso o di naman kaya ay “ma-conscious” dahil maaring ang mga kaibigan mo o mga taong kilala mo ay mapuputi ang ngipin at ikaw lang ang hindi. Kaya ang iba bilang solusyon ay nagbabayad ng malaki upang maging maputi ang kanilang ngipin at mapanatili pa rin itong matibay.
Ito ang mga problema na malimit kinakaharap ng mga estudyante at ibang tao pagdating sa paninilaw ng ngipin. Malimit nilang maranasan ang matinding troma dahil sa pangungutya ng ibang tao, depresyon, galit, pagsasalita sa harap ng maraming tao, at maraming pang iba. Mayroong mga kaso na ang ibang tao ay naniniwala na ang paninilaw ng ngipin ay maganda sa kalusugan at mayroong namang iba na hindi ito pinaniniwalaan at mas lalo pa itong pinaninindirihan.
Ang mga mananaliksik ay pinili ang pag-aaral na ito tungkol sa sanhi ng paninilaw ng ngipin at ang mga implikasyon nito sa sosyal, emosyonal, at pisikal na aspeto ng buhay ng mga mag-aaral ng CEU Makati GP upang malinawan at maintindihan ang mga mambabasa at pati na rin ang mga mananaliksik sa mga sanhi at implikasyon ng paninilaw ng ngipin sa sosyal, emosyonal, at pisikal na aspeto sa buhay ng bawat estudyante at ng mga tao. Ninanais matukoy ang mga paraan ng pag-iwas dito.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pag-aaral
Ang paninilaw ng ngipin ay maaaring makuha sa mga inumin na mayroong caffeine tulad ng tsaa . Ayon sa mga dentista ang tsaa ay isang inumin na nakakabuti sa ating pangangatawan ngunit hindi ito mabuti sa kalusugan ng ating mga ngipin. Ang paninigarilyo ay isa rin sa mga matinding epekto ng paninilaw ng ngipin dahil sa may mga sangkap ang sigarilyo na hindi kaakit-akit sa ating mga ngipin at ito ay nagdadala sa atin sa pagkakaroon ng madilaw na ngipin. Ang hindi tamang pag-aalaga sa ngipin ay maaari din magdala ng masamang epekto dahil kapag hindi mo alam alagaan ang iyong mga ngipin hindi matatanggal ang mga dumi na naipon dito na nakuha natin sa mga pagkain na ating isinusubo at ito ay may masamang epekto sa ating mga ngipin, una sa lahat magkakaroon ng paninilaw dahil na rin sa hindi pagsisipilyo at kung lalala pa hindi lamang paninilaw ng ngipin kung hindi iba pa na matitinding oral diseases na hindi na maaari pang lunasan (http://www.yourdentistryguide.com/tooth-discoloration/).
Ang paninilaw ng ngipin ay ikinakahiya ng marami, ito ang madalas na nagiging hadlang sa mga ngiti ng mga tao. Wala naman perpekto sa mundo, kahit ang pagkaputi ng ngipin nila ay hindi nagiging perpekto. Ang pagkadilaw ng ngipin ay maaaring nagiging epekto ng pagtanda. Ngunit, madalas rin itong na mamana sa mga magulang. Ang paninilaw ng ngipin ay madalas ring nakukuha sa paninigarilyo, pag-inom ng kape o mga caffeinated drinks, hindi pagsisipilyo, at dental trauma. Sa kasamaang palad, ang paninilaw ng ngipin ay hindi iiwasan, pero maaari naman itong maipaayos sa mga dentista na nagpapaputi ng ngipin o kaya gamitan ng mga home-remedy katulad ng baking soda at iba pang bleaching products (http://www.1800dentist.com/tooth-discoloration/).
Lokasyon ng Pag-aaral
[pic 4]
Larawan 1.1 Mapa ng Lungsod ng Makati
Ang Lungsod ng Makati ay nasa gitna ng National Capital Region (NCR). Mula sa Kalakhang Maynila, ang Makati ay mararating sa pamamagitan ng Buendia LRT. Ang nasa hilaga nito ay ang Pasig River, ang nasa silangan ay ang Municipal ng Pateros, ang nasa timog silangan ay ang Lungsod ng Taguig, ang nasa timog at timog kanluran ay ang Lungsod ng Pasay, at ang nasa hilagang kanluran ay ang Lungsod ng Maynila (http://www.makati.gov.ph/portal/main/index.jsp?main=2&content=0&menu=0).
Ayon sa tala noong 2010, mayroon itong bilang ng tao 529,039. Ang Makati ay sumasakop ng 27,355,700 square meters at halos 4.3% ng buong Metro Manila. Ang Lungsod ng Makati ay binubuo ng 33 barangay na nahahati sa dalawang lehislatibong distrikto (http://www.makati.gov.ph/portal/main/index.jsp?main=2&content=0&menu=0).
Ang Makati ay kilala bilang Central Business District, malapit sa Ayala Avenue, Makati Avenue at Paseo de Roxas. Dito rin makikita ang mga matataas na istraktura. Maraming trabaho ang nakukuha ng mga tao rito, na nagmumula pa sa ibang panig ng Maynila at sa probinsya. Kilala rin ang Makati bilang isa sa mga shopping hub sa Metro Manila, narito ang Greenbelt, Glorietta, Park Square, The Link at marami pang iba (http://en.wikipedia.org/wiki/Makati).
Ang Makati ay kinikilala na ring gitna ng pag-aaral, dito rin nakalokasyon ang mga matataas at may kalidad na Unibersidad sa Pilipinas, narito ang Centro Escolar University – Makati, Far Eastern University – Makati, Mapua Institute of Technology – Makati at iba pa (http://en.wikipedia.org/wiki/Makati).
[pic 5]
Larawan 1.2 Mapa ng Lokasyon ng Centro Escolar University, Makati
Ang Centro Escolar University Makati ay itinatag noong Hunyo 2005, na nakalokasyon sa Central Business District ng National Capital Region (NCR) sa 259-263 Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City. Narito rin ang CEU School of Law and Jurisprudence na na-itatag noong 2009 (http://en.wikipedia.org/wiki/Centro_Escolar_University_Makati).
Ang Centro Escolar University ay matatagpuan sa Barangay San Antonio na mayroong sukat ng kalupaan na 0.8958 square kilometers na may 3.3% na total ng lungsod. Batay sa 2010 Census of Population na inilabas ng National Statistics Office (NSO), ang Barangay San Antonio ay may porsiyentong bahagi na 2.2% o 11, 443 ng populasyon ng lungsod (http://www.makati.gov.ph/portal/main/index.jsp?main=27&content=0&menu=0).
Ang unang nagtatag ng Centro Escolar University ay si Donya Librada Avelino. Ang unang pangalan ng Centro Escolar ay ang Centro Escolar de Senorita. Ito ay isang pribadong unibersidad para sa babae at lalaki. Ang Centro Escolar Makati ay nagsasanay ng mga estudyante upang sila ay mabigyan ng tamang kasangkapan ng kaalaman, kasanayan at moral na pagkatao na naghahanda para sila ay maging produktibo at maging magaling na propesyonal sa hinaharap. (CFAC 2014)
Ang mga kursong inaalok dito ay ang mga kursong preparasyon sa medisina tulad ng, Dentistry,
...