Arketipal Na Pagbasa Sa Candon
Autor: Joshua • January 31, 2018 • 1,744 Words (7 Pages) • 1,091 Views
...
- Operational Framework
Ayon kay Gustav Jung, nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayari bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon. At ang mga karanasang ito ayon kay Jung ay nagbubunga ng pagsulat at paglikha ng hero myth or isang bida at kung paanong ang bidang ito ay namuhay sa daigdig. Ang epiko na nasulat ni Reynalo A. Duque ay hango sa karanasan ng kanyang mga ninuno sa kanyang lugar sa Candon Ilocos Sur noong panahon ng pananakop ng mga Kastila . Bagaman ang pamagat ng epiko ay “Candon,” hindi naman talaga Candon ang pangunahing tuon ng epiko bagkus ang pokus ay ang bida o hero ng akda na si Isabelo Abaya,. Ang kanyang pakikibaka sa mga mga mapang-abusong kastila at ang pananagumpay niya at ang mga rebeldeng Ilokano na agawin ang poder sa Candon at itatag ang isang nagsasariling pamahalaan ay ang pokus ng epiko at ang makata.
Ngunit ang pag-aaral na ito ay hindi lamang nakatuon sa pangkalahatang balangkas ng buhay ng bida sa epiko ngunit layunin at tungkulin ng pag-aaral na ito na ipaliwanag ang mga katangian ng epiko, bilang pinakamataas na anyo ng panitikang pabigkas[6] sa pamamagitan ng pag-aaral at pagtalakay sa mga katangian ng epiko gamit ang Arketipal na pananaw habang binibigyang pagpapahalaga ang mga katangiang sosyo-kultural ng mga Ilokano.
Kayat base pa din sa Arketipal na pananaw na kung saan ang paraan ng pagsulat at paglikha sa akdang panitikan ang pangkalahatang prinsipyo ng kritisismong ito, ang pag-aaral na ito ay may layuning ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda.
Presentation, Analysis, Interpretation
Ano ang mga mahahalagang bahagi ng akda?
Base sa pananaw ni Notrhop Frye, mayroong apat na mahahalagang bahagi ang akda na siya ring mahahalagang bahagi ng epikong Candon. Kung tutuusin, ito na marahil ang plot o buod ng epikong pasalaysay.
- Tag-init/Summer/Paradise/Romance/The Creation and Life is a paradise: GARDEN
Sa unang Aklat, unang kanto, ilalarawan sa epiko ang Kailukohan, partikular ang Candon, bilang ideal na pook. Ang pagiging ideal ng pook ay mahihiwatigan sa pagbanggit sa likas na kaligiran—na may magandang klima, mayamang lupain, at mapagpalang tubigan—at itatanghal na “bayan ng mga magbubukid” at “kakambal ng paraiso” at (1, 1, 4-9) mulang pagbanggit sa mito nina Angalo at Aran hanggang makasaysayang pakikihamok ng mga bayaning gaya ng mga Abaya, Guirnalda, at Ricarte.
- Tag-lagas/Fall/ Tragedy/ A displacement from a paradise: ALIENATION
Ipakikita rin ang pagkamulat ni Belong sa pang-aapi ng mga Espanyol, na pangungunahan ni Fray Rafael Redondo, ng mag-amang Nilo at Alvaro de Gracia, kasama ang mga boluntaryong kawal at guwardiya sibil.
- Tag-lamig/ Winter/ Anti-Romance/ A time trial and tribulation, usually a wandering: JOURNEY
Mamumundok si Isabelo makaraang ibilanggo ang kaniyang mga kaanak dahil sa pekeng paratang ni Fray Redondo; magpapakadalubhasa sa paghawak ng armas at sa sining ng pakikihamok, gaya ni Rambo, doon sa liblib na pook; at mangangalap ng mga tauhan sa hanay ng mga pangkat etniko ng Ilokos upang bumuo ng hukbong panlaban sa mananakop.
- Tag-sibol/Spring/ Comedy/ A self-discovery as a result of the struggle: EPIPHANY
Magbabalik siya sa bayan ng Candon, maghihiganti kina Fray Redondo at Alvaro de Gracia na gumahasa at pumatay sa kasintahang si Imnas. Makikipag-alyansa siya kay Bonifacio, at magwawakas ang nobela sa pagputok ng himagsikan at pagtataguyod ng bagong gobyerno.
Paglalagom
Dahil ang awtor ng Candon ay isang taal na Ilokano, at ang mambabasa ng epikong ito ay isa ring Ilokano, madaling naintindihan ng mambabasa ang mga simbolong sumasagisag sa kultura, values, at karakter na ginamit ni Duque. Ayon na rin kay Dr. Hornedo, ang epiko ay isang subjective na pagsasalysay ng awtor; alam ng awtor ang damdamin, aksiyon at kaisipan ng kanyang karakter. Kayat sa epiko, si Duque ay mukhang pinaparangalan ang mga Ilokano sa kaniyang mga description.
---------------------------------------------------------------
...