A Philosophical Analysis of American History X
Autor: Sara17 • December 19, 2017 • 1,451 Words (6 Pages) • 906 Views
...
Maaari namang tumanggi ang tao sa tawag ng Iba. Ika nga ni Cleofas, “it is indeed within the realm of possibility not to speak, not to give and not to be responsible.4” Maaaring sabihin ni Derek na hindi niya kayang maging responsible o baka natatakot siya. Pero hindi ito tungkol sakaniya kundi sa taong nanganganib sakaniya. At dahil may nanganganib, lagi at lagi siyang mababagabag. “Silence is no longer possible because the Other has spoken and the sound of his or her speck has scandalized the orderliness of the ego’s world.4” Hindi na maaaring bumalik sa dati. Bitbit mo ang responsibliidad at ikaw lamang ang makakapagtugon dito. Sa kabutihang-palad, namulatan si Derek noong itinanong siya ni Dr. Sweeney kung “Has anything you’ve done made your life better?1” May nagawa ba siya na makakabuti sakanya? Unti-unting naunawaan ni Derek na may nangangailangan sakaniya at siya lamang ang makakatugon dito. Nagiging isang personal na gawain ang pagtugon dahil may kinalaman ito sa’yo at sa pagiging tao mo. Dagdag pa rito, wala kang kinalaman sa pananagutan ng iba. Noong kausap ni Derek ang nanay niya sa bilangguan, sinabi ni Derek “I can’t fix all this shit right here.” 1At ang tugon ng ina, “I’m not asking you to.”1 Walang premyo ang pagkakaroon ng pananagutan. Sariling pananagutan mo lamang ang hawak mo. Magkasalungat ito sa sinabi ng tatay, “I got two guys watching my back, responsible for my life…”1 Ngunit sa pilosopiya ni Levinas, hindi natin pinakakailaman ang pananagutan ng iba.
Nakasalalay ang pagiging tao (suheto) sa pagtugon sa Iba. Noong hindi pa tumutugon si Derek sa tawag ng iba, masasabing umiikot lang ang mundo niya sa sarili. May paki lamang siya sa sarili niya. Ngunit, ano ang pagkakaiba nito sa isang bagay? Walang nagagawa ang mga bagay dahil wala silang kakayahang tumugon sa kahit ano. Walang paguunlad na nangyayari. Dahil dito, sinasabi ni Levinas na nagiging tao and isang tao kung tumugon na siya sa kaniyang responsibilidad. “Responsibility is what is incumbent upon me exclusively, and what, humanly, I cannot refuse.3” Ang responsibilidad ko para sa iba ay ang bumubuo sa aking suheto. Dahil may Iba, nagkakaroon ako ng pagkakataon na maging tao. Hindi magkakaroon ng pagbabago si Derek kung walang Lamont o Danny. Walang silbi si Derek kung hindi niya tinulungan ang kaniyang kapatid.
Ito ang kabalintunaan ng pangangalaga ng tao sa sarili. Hindi ko nahahanap ang pagkatao ko sa pananatili sa kung ano ang kumportable. Hindi ko nasusustentuhan ang pagkatao ko kung hinihiwalay ko ang sarili ko sa Iba. Nahahanap ko ang sarili ko at ang pagkatao ko, sa mas mainam na pananalita, kung tumugon ako sa walang hanggang pananagutan. May paguunawa na masasabi mo na tao ako at nalalaman ko kung sino ako kung nawala na lahat ng mahalaga sa akin. Nagiging tao ako, naiiba sa mga bagay na walang buhay, kung may ginagawa akong responsable. Ika nga, “Hate is baggage. Life's too short to be pissed off all the time. It's just not worth it.1” Tulad ng kapootan, kung hinihiwalay natin ang sarili natin sa Iba, kung patuloy tayo sa diskiminasyon sa Iba, kung lahat nalang ay tungkol sa akin, masasabi mo bang may halaga ang buhay mo? Masasabi mo bang naging tao ka?[5]
---------------------------------------------------------------
...