Essays.club - Get Free Essays and Term Papers
Search

Questions

Autor:   •  December 13, 2017  •  924 Words (4 Pages)  •  836 Views

Page 1 of 4

...

- SAYAW

[pic 6]

FRANCISCA REYES AQUINO Si Francisca Reyes Aquino ay ang unang babaeng ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw Ipinanganak siya noong 9 Marso 1899 sa Bocaue, Bulakan at panganay sa tatlong anak nina Felipe Reyes at Juliana Santos Reyes.Nag-aral siya sa Meisic Elem. School, Tondo Intermediate School at Manila High School sa Tondo, Maynila. Natamo niya ang kanyang “High School Teacher's Certificate noong 1923 at ang kanyang Batsilyer sa Agham sa Edukasyon noong 1924 sa Unibersidad ng Pilipinas . Nag-aral din siya ng dalawang taon sa Boston University. Naging consultant siya ng Bayanihan Folk Dance Troupe. Itinanghal niya ang kanyang Philippine dances and folklore sa Fourth .,InternationalCongress sa Washington, D.C . Itinatag niya ang Filipiniana Folk Dance Troupe at The University of the Philippines Dance Troupe.

- PELIKULA

[pic 7]

MANUEL CONDE Kilala bilang Juan Urbano ang una niyang pangalan noong bago magkadigma. Isa siyang batikang Aktor, Prodyuser at Direktor.Ipinanganak noong 1917.Nagkaroon siya ng maliit na papel sa Malapantasyang pelikulang Mahiwagang Biyulin.Taong 1940 ng bigyang siya ng pagkakataon ng LVN Pictures na mamahala ng pelikulang Sawing Gantimpala at ang pelikulang iyon ay pinilahan. Siya rin ang nagdirek ng pelikulang katatakutan ang Villa Hermosa (1917) ni Mila de Sol noong 1941. Taong 1947 ng itayo niya ang sariling produksiyon ang MC Production. Ang pelikula niyang Genghis Khan ay hinangaan sa buong mundo. Lubos ding pinuri ang kanyang Siete Infantes de Lara at Krus na Kawayan.Si Manuel ay kilala rin bilang Juan Tamad at Juan Daldal

G. DULAAN

[pic 8]

HONORATA”ATANG” DE LA RAMA

Si Atang dela Rama ay isang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika at Teatro at pinarangalang Reyna ng Kundiman noong 1979.Ipinanganak siya noong 11 Enero 1902 sa Pandacan, Maynila at lumaki kina Pastora Matias, at sa asawa nitong si Leon Ignacio Ikinasal siya noong 1932 kay Amado V. Hernandez. Nagtapos bilang parmasyotika sa Centro Escolar University at kumuha ng kurso sa Royal Dramatic Theater Academy sa New York. Sa edad na 7,siya ay nagsimulang gumanap sa mga sarsuwelang espanyol tulad ng La mascota at Viuda alegre Sa gulang na 14, ginampanan niya ang papel na Angelita sa Dalagang Bukid. Ang sarsuwelang ito ang nagpasikat sa kanya at nagkaroon ng halos 1000 na pagtatanghal. Isinapelikula rin ang Dalagang Bukid noong 1919 at pinangunahan ito ni dela Rama.Inawit ni Atang dela Rama ang musika sa mga sarsuwelang nilikha ng mga tanyag na manunulat gaya ng: Alamat ng Nayon; Ararong Ginto, Ang Kiri, Sa Bunganga Pating Paglipas ng Dilim, Anak ng Dagat, Ang Mestiza at Sundalong Mantika.

...

Download:   txt (5.9 Kb)   pdf (49.2 Kb)   docx (13.3 Kb)  
Continue for 3 more pages »
Only available on Essays.club