Consumer Industry of Birds (filipino)
Autor: Tim • February 27, 2018 • 2,501 Words (11 Pages) • 721 Views
...
At hinanap nila ang kanilang mga kapwa babaeng Tutubi ngunit isa lamang ang kanilang nakita. Ito ay sugatan at mukhang mawawalan na ng buhay, ngunit nasabi pa nito kung sino ang gumawa nito sakanya.
Babaeng Tutubi: “Si MALAKING Salagubang, siya ang may gawa nito, tila siya ay naghihiganti sa atin. Kinuha niya ang iba nating kasama, gagawin daw niya itong mga bihag. Pumunta daw kayo sakanya kung gusto pa silang masagip. Pakiusap ko, tulungan niyo ang iba nating kasama.
Di kalaunan ay binawian na ng buhay ang babaeng Tutubi. Kaya nagpasya silang pumunta sa kuta nila dati, nadatnan nila si MALAKING Salagubang na nakangisi.
Pinuno ng Tutubi: “Nasan sila?! Ilabas mo sila! Ano ba ang ginawa naming kasalanan sa iyo ha? Bakit mo pa kami ginugulo?”
MALAKING Salagubang: “HAHAHAHA!!! Natutuwa kaba sa aking ginawa?
Nagsagutan sila ngunit walang laban ang pinuno ng mga Tutubi, dahil kailangan niyang maging tahimik at maingat sa kanyang mga sasabihin dahil hawak ni MALAKING Salagubang ang buhay ng mga babaeng Tutubi. Ang tanging paraan lamang para palayain ni MALAKING Salagubang ang mga babaeng Tutubi ay kung magiging alila niya ang mga lalaking Tutubi at lagi siyang hahanapan ng makakain. At oras na kaunti lamang ang maihahandog nilang pagkain ay isa sa mga babaeng Tutubi ang mamamatay.
MALAKING Salagubang: “Isa lang ang aking nais, kayo’y maging alila ko, lagi niyo akong hahanapan ng pagkain, kapalit ng buhay ng inyong mga minamahal na Tutubi. Ngunit oras na wala kayo maihandog o kaya’y di sapat ang inyong ihahandog na pagkain ay di niyo magugustuhan ang aking gagawin sa mga bihag.
Kaya pumayag ang pinuno ng mga Tutubi na sila’y sumunod at maging alila ng MALAKING Salagubang.
Pinuno ng Tutubi: “Sige papayag kami, basta’t huwag mo lang sasaktan ang aming mga kaibigan.”
Dahil sa parehong naghahanap ng pagkain ang mga Tutubi at Langgam, naubos ang mga pagkain sa gubat, at tanging mga Langgam lamang ang maraming nakukuha. Pag sila’y babalik na sa kinaroroonan ni MALAKING Salagubang ay nagagalit ang MALAKING Salagubang pag babalik ang mga lalaking Tutubi na kaunti lang ang inihahandog. Kaya kumuha ito ng isang bihag na babae at binawian ng buhay sa harap ng mga lalaking Tutubi. Dahil sa galit at takot, wala na silang ibang magawa kundi at mangagaw ng pagmamay-ari ng iba. Kaya naman dun nagsimulang maging sakim ang mga Tutubi, na laging kinukuha ang pagkain ng mga Langgam para lamang mailigtas ang mga kapwa babae nitong Tutubi.
*END of flashback*
Tuwang tuwa ang MALAKING Salagubang dahil sa sobrang daming handog ng mga lalaking Tutubi, ngunit sinabi niyang hindi pa sapat ang mga ito kung kaya’y di niya pa maibibigay ang mga bihag nitong babaeng Tutubi.
MALAKING Salagubang: “Magaling mga kaibigan kong Tutubi, ngunit kulang pa ang mga ito, pasensya na ngunit di ko pa sila maibibigay sainyo. HAHAHAHA!”
Dahil sa inis at galit ng isang lalaking Tutubi ay sinugod nito ang MALAKING Salagubang at balak saktan.
Tutubi2: “Sumusobra kana ha! Ibalik mo na samin an gaming mga kaibigan! Wala kang karapatang bihagin sila, sobra sobra na ang pagkakaalila naming sayo! Hindi na nakakatuwa ang iyong mga binabalak, dapat sayo ay mawala na!
Ngunit sa kasamaang palad, ay naunahan siyang masaktan ni MALAKING Salagubang, kaya naman ito’y namatay. At sinabi nitong sa oras na may magreklamo pa at kaunti ang ihahandog nilang pagkain ay isa ulit sa mga kapwa babae nila ang mamamatay. Kaya sumunod na lamang sila.
MALAKING Salagubang: “Sino ang gustong sumunod sakanya? Sabi ko naman sainyo, kung susunod lang kayo ay magiging maayos tayo. HAHAHAHA!”
Pinuno ng Tutubi: “Nagbago kana nga talaga aking dating kaibigan. Di na kita makilala sa iyong mga ginagawa! Kalian kaba magbabago?”
MALAKING Salagubang: “Tila nahihirapan kana ata aking kaibigan? HAHAHA! Bagay lamang sainyo yan, dahil sa ginawa niyong pag-iwan sakin!”
Halos isang buong araw na naglalakbay ang mga lalaking Tutubi, ngunit sila’y nagtataka kung bakit hindi nila makita ang mga Langgam. Di nila alam na ang mga ito’y umalis na pala at naghanap na ng ibang matitirhan. Nangamba ang mga ito dahil sa naalala nila ang banta ng MALAKING Salagubang. Kaya naman di sila agad nakabalik kay MALAKING Salagubang.
Tutubi1: “Malaking suliranin para saatin ito pinuno, baka tuluyan nang bawian ng buhay ni MALAKING Salagubang ang ating mga kaibigan pag wala tayong naiuwing pagkain.”
Habang masayang naglalakabay ang mga Langgam, ay may narinig silang mga sigaw ng babae sa isang bahagi ng kagubatan.
Pinuno ng Langgam: “Narinig niyo ba iyon mga kaibigan? Tara’t ating puntahan ang pinagmumulan ng sigaw.”
Pinuntahan nila ang pinagmumulan ng sigaw at nagulat nang makitang nakakulong ang mga babaeng Tutubi. Una ay ayaw nilang tulungan ang mga Tutubing ito dahil sa ginawang pangaangkin ng mga sakim na lalaking Tutubi sa kanilang mga pagkain. Ngunit ikinwento ng isang babaeng Tutubi kung bakit iyon ginawa ng kapwa nilang lalaking Tutubi.
Babaeng Tutubi: “Tiyak akong labag sa loob nila ang kanilang ginawang pagkuha sa inyong mga pagkain. Ginawa lamang nila iyon para siguro kami’y di paslangin ni MALAKING Salagubang. Kami na ang humihingi ng tawad sa nagawa nang aming mga kaibigan.”
Nang marinig ng mga Langgam ang mga sinambit ng babaeng Tutubi ay naliwanagan sila.
Langgam1: “Ah, ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat, mabait parin pala talaga ang mga Tutubi, sadyang may dahilan kung bakit nila iyon ginawa sa atin.”
Pinuno ng Langgam: “Pinapatawad na namin sila, ngunit sa liit naming ito ay di namin kakayaning kayo’y pakawalan. Ganito, maglalakbay kami ulit upang hanapin ang inyong mga kaibigang Tutubi, at sasabihin naming kung nasan kayo ngayon. Upang kami’y magtulungan para kayo’y mapalaya.”
Babaeng Tutubi: “Maraming salamat sainyo mga Langgam. Magingat kayo sa inyong paglalakbay.”
Di nila ito napalaya sa kulungan dahil sa kaliitan at kahinaan ng mga Langgam, kaya naman ay umalis sila at nangakong sasabihin sa mga kapwa nilang lalaking Tutubi kung nasaan nakakulong ang mga babaeng Tutubi.
Nagsimulang maglakbay ang mga Langgam para hanapin ang mga lalaking
...