Essays.club - Get Free Essays and Term Papers
Search

The Unkabogable Praybeyt Benjamin

Autor:   •  February 13, 2018  •  956 Words (4 Pages)  •  2,596 Views

Page 1 of 4

...

Marami syang nakilalang kaibigan sa kampo,na naging katulong nya sa pag-sugpo sa kalaban bagama`t alam ng kanyang mga kaibigan na siya ay isang bakla ay tinanggap siya ng mga ito ng buong puso,.

Sa huli ay nagtalo nila ang mga kalaban sa pagtutulungan. At dahil sa katapangan at kabayanihang ipinakita niya ay tinanggap siya ng kanyang Lolo at nabuhay siya ng maligaya.

- Pangunahing Paksa

Ito yung pelikulang matatawag mong trailer pa lang, ulam na. Bukod sa all-star cast ng The Unkabogable Praybeyt Benjamin, punong-puno rin ito ng mga kwelang linya na pumatok at kumalat pa sa social networking sites.

Tipikal na kwento ng pagpapatunay ng kakayahan ng isang itinakwil ang ipinakita ng pelikulang ito. Bukod sa isyu ng pagtanggap ng pamilya sa tunay na kasarian ng bida, may mga ipinakita ring isyu sa lipunan na kapupulutan ng aral.

Una na rito ang diskriminasyon. Kapag bakla ba, hindi na pwedeng sumali sa sandatahang lakas? Kapag bading ba, patatalsikin na sa pagiging sundalo? Kapag beki ba, wala nang kakayahan at diskarteng lumaban? Hindi ba pwedeng wala munang stereotyping? Mainam na idiniin sa pelikula kung paano ang mga bakla ay nadidiskrimina sa lipunan hindi na lamng sa kanilang kasarian ngunit sa kung paano na din sila mamuhay at makitungo sa iba. Pero narito rin kung paano ipinakilala at ipinakita ang mga bakla bilang isa rin namang aspeto ng lipunan. Pinatuyan sa pelikula na kung ano ang kaya ang iba ay kaya rin nila o mas higit pa.

Pangalawa, tinalakay din ang iba't ibang sitwasyon sa buhay ng tao na sinasabing kahinaang kuno. Pinakita ito sa pamamagitan ng mga nakilalang kaibigan ni Benjamin "Benjie" Santos VIII sa loob ng training camp na may mga kanya-kanya ding kawirduhang taglay. Ipinakita sa pelikula na hindi dapat tingnan agad bilang kahinaan ang isang bagay base sa panlabas na anyo o katayuan sa buhay. Ang hindi alam ng nakararami, mas mayroon palang ibubuga ang mga ito kaysa sa mga taong mapanghusga.

Sa larangan ng komedya naman, tadtad ng mga patawa ang buong pelikula. Nakahanda talaga ang ngala-ngala sa paghalakhak. Hindi lang makalaglag-panga ang mga linya at pamimilosopo, pati ang mga pagkakataon na nagiging bahagi ng pelikula ang audience ay nakakaaliw din. Bukod sa maraming exposure ng flawless legs ni Vice Ganda at hot body ni Derek Ramsay, kaabang-abang din ang part two ng Praybeyt Benjamin.

- Sinematograpiya ng Pelikula

Lubos na tinangkilik ng mamayang Pilipino ang pelikula sapagkat mayroon itong timpla na makabago at tunay namang kasiya-siya.

- Bisang Pampanitikan

Nagpakita ang pelikula ng bisa sa isip, damdamin, kaasalan at lipunan. Maliwanag na naipakita sa pelikula ang pagbangon ng pangunahing tauhan upang makita ng mundo na siya ay may kredibilidad at abilidad upang maging isang bayani kahit na siya ay bakla. Iniba rin ang tingin nito ang tnìingin ng lipunan sa mga bakla dahil sa mga positibong pwedeng gawin ng mga ito sa lipunan.

- Rekomendasyon

...

Download:   txt (5.9 Kb)   pdf (44.7 Kb)   docx (12.9 Kb)  
Continue for 3 more pages »
Only available on Essays.club