Connected Ka Ba?
Autor: Tim • March 9, 2018 • 756 Words (4 Pages) • 883 Views
...
1 thes. 5:17 Magsipanalangin kayong walang patid;
Ps. 15:29 Ang Panginoon ay malayo sa masama: nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid.
Jm 4:3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.
2) Anong paraan ng pagbabasa ang ginawa upang basahin ng maayos ang aklat? Ipaliwanag
Inspeksyonal na pagbabasa. Bakit? Sapagkat limitado man ang oras ng pagbabasa, pinahahalagahan ko ang libbrong ito dahil sa “sense” nito at siguro na rin dahil kailangan ito sa asignatura namin. Hindi lang iniskima ang mga salita kundi isinapuso at tinandaan. Hindi nagmamadali dahil binigyan ng oras para sa pagbabasa. Parangbnaging prioridad ito na matapos ang libro.
3) Gamitin ang metakognitibong pananawa ng pagbasa
a) anyo o tipo ng teksto
Ito ay masasabi mong gabay sa buhay ng isang tao papunta sa marangal at mabuting pamumuhay. Para syang “rulebook” patungo sa mga kamay ni Panginoong Diyos.
b) layunin ng pagbabasa
Para ikakabuti ng personalidad o pagkatao. Para ipagkalat o ipaalam kung ano ang nabasa. Upang maiparating ang mensahe ng panginoon. At makikita naman sa mismong pamagat ng libro ang pangunahing layunin nito, ang pinakamagandang paraan para magdasal
c) layunin ng manunulat
Maipahiwatig sa mga mambabasa ang layunin ng panginoon sa atin. Na ang pagdadasal ay isang paraan para lumapit sa panginoon. Na manalig sa Diyos. Na hindi dahil hindi nya sinsagot ang mga dasal natin ay hindi na niya ito pinapansin.\
d) pangkalahatang impresyon
Ang librong ito ay nagbibigay gana sa mga lobatt na, sa mga nawalan na pananalig sa panginnoon. Dahil hindi sila sinasagot ng Panginoon. Inilahad niya ang mga “obvious” na nagyayari sa pangaraw araw na buhay, na ksalukuyang ginagawa ninyo. AT ginawaan ng paraan ang mga kinatatamarang gawain patungo sa pinukaw na pamumuhay.
e) konklusyon
Kapag lobatt ang telepono, madaling isaksak sa outlet. Pero kapag IKAW ang lobatt, ang kailangan monng charger ay ang langit sa taas. Hindi dahil hindi ka sinasagot ng Panginooon sa itaas, mawawalan ka ng pagasa. Hindi dahil pagod galing trabaho tutulugan mo na ung dasal mo. Kahit anong gawa naitng mali, mahal pa rin tayo ng Diyos. Nagtatanong ka minsan sa isip mo, “pinpakinggan mo ba ako Lord?” oo pinapakinggan niya tayo kaya dasal lang ngdasal at gawing malinis ang gawain. Manalig lang sa Diyos, salo ka niyan.
...