Romance
Autor: Tim • March 2, 2018 • 56,011 Words (225 Pages) • 574 Views
...
Nasa kalagitnaan na ng biyahe ang binata nang may biglang rumaragasang truck na patumbok sa direksiyon nito. Ayon sa imbestigasyon, nagawa pang iwasan ni Evo ang truck. Ibinuwelta nito ang kotse ngunit hindi naging maganda ang buwelo niyon na naging dahilan para tumagilid ang kotse, at ilang sandali ay isang pagsabog. Nagawa pa raw nitong makalabas ng kotse ngunit hindi pa rin nito nagawang makaligtas. Nang ma-recover ang katawan nito ay sunog na sunog iyon at halos hindi na makilala.
Dumako ang tingin niya sa anak. Nag-aayos ito ng sarili. Nilapitan niya ito. Mula sa kamay nito ay kinuha niya ang brush at siya na mismo ang nagsuklay ng halos hanggang beywang na nitong buhok.
“Heart anak―”
“Mom, sa puntod po ni Evo ang punta ko…”
Lilian let out a sigh. Ang buong akala pa man din niya ay handa na nitong harapin ang buhay nito ngunit nagkamali pala siya. Nasasaktan siyang makita sa ganoong ayos ang anak. Bumagsak na rin kasi ang katawan nito dala nang hindi nito pagkakakain. Kung hindi pa niya ipilit ay hindi nito maiisipan na kumain. Kung puwede lang ding saluhin ang sakit na nararamdaman nito ay ginawa na niya.
Kaisa-isa nilang anak si Heart. She’s actually a spoiled-brat girl. She’s the type of girl who finds each situation easy to handle, just except in handling a relationship, and the one she’s going through now. Nang dumating sa buhay nito si Evo at nang ligawan siya nito ay siya ang naging takbuhan ng anak. Naging tanungan kung kinakailangan ba talaga ang ganito at ganyan sa isang relasyon.
Bumaling siya sa anak. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Darling, stop blaming yourself. Huwag mo namang ikulong ang sarili mo sa mapait na pangyayaring iyon. Alam kong hindi madali, lalo pa at sa mismong birthday mo pa nawala si Evo. But it wasn’t your fault, anak. Maaaring hanggang doon na lamang ang misyon ni Evo. Marami na siyang nagawa, hindi ba? He had made you happy. He had taught you how to love and be loved by a man like him. He had changed you to a more pleasing personality… Kaya sana ay huwag mong sayangin ang mga ginawa para sa iyo ni Evo.”
Nagsimulang bumukal ang luha sa mga mata nito. “Mom, nasayang na nga, eh. Sayang lang ang mga ginawa niya para sa akin dahil wala na siya… Ang sabi niya sa akin, hindi niya raw ako iiwan. Na pakakasalan niya ako. Bubuo kami ng masayang pamilya. Bakit ganoon, Mom? Bakit kailangang mawala siya agad?”
She fought the urge to cry. Hindi dapat siya magpakita ng kahinaan sa anak. Higit siyang kailangan nito sa mga oras na iyon. “Malay natin, makatagpo ka uli ng lalaking mamahalin ka nang mas higit kay Evo…”
Umiling-iling ito. “Mom, wala nang mas hihigit pa kay Evo, wala na ‘kong mahahanap na katulad niya. Nag-iisa lang siya, nag-iisa sa puso ko…”
Natighaw ang kanyang damdamin sa ipinahayag ng anak. “Oh darling…”
Wala na siyang nagawa kundi ang yakapin na lamang ito nang mahigpit.
“‘MA NAMAN, alam n’yong hindi kami magkasundo ng anak ni Tita Lily, ‘tapos doon mo pa ako patitirahin?” angil ni Luis Gabriel sa inang si Charmaine. “Eh, baka magkaroon ng World War III!”
Ang Tita Lily na tinutukoy niya ay siya ring ninang niya sa kumpil. Kapitbahay nila ito no’ng sa Maynila pa sila nakatira. Nang magkasakit kasi ang lola niya ay napagdesisyunan ng Mama niya na doon na lamang sila lumagi sa Tacloban, Leyte upang matingnan-tingnan ang matanda.
He was now a licensed architect. Nito lamang Pebrero nang lumabas ang resulta ng Architect Licensure Examination at isa nga siya sa mapapalad na nakapasa. Malaki ang nakaatang na responsibilidad sa kanyang balikat. Ngayong magtu-twenty-one years old na siya ay itu-turn over na sa kanya ang pamamahala ng Sarmiento Construction―ang kompanya kung saan ang lolo niya ang nagpasimula. Tatlong dekada nang nakatayo ang kompanya subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon kumukupas. Ang ama niyang si Joel―bunso at nag-iisang lalaking anak ng Lolo Samuel niya―kailanma’y hindi nagkaroon ng interes na pamahalaan ang kompanya. Mas pinili nito ang maging isang pintor at isa nga ang mama niya sa naging modelo nito.
Sa totoo lang, tutol ang lolo niya sa relasyon ng mga magulang niya. Ika nga, langit at lupa ang pagitan ng mga ito sa isa’t isa. Ngunit dahil mahal na mahal ng kanyang ama ang kanyang ina, napilitan itong talikuran ang nakagisnan nitong buhay. Nagpakalayu-layo ang mga ito. Nang mga panahong iyon ay ipinagbubuntis na siya ng ina. Naging maayos ang pagsasama ng mga ito. Ngunit dumating sa punto na ikinakailangang mangibang bansa ng Papa niya para na rin mabuhay sila nito. Labag man sa kalooban ng kanyang ina ay pinayagan niya ang ama subalit nais nitong pagsisihan ang pagpayag dahil ang sinakyang eroplano ng kanyang ama ay naaksidente. Kabilang ang kanyang ama sa mga nasawi. Dahil doon ay lalong sumidhi ang galit ni Mr. Samuel Sarmiento sa kanila.
Makalipas ang ilang taon ay may isang lalaking dumating sa bahay nila. Napag-alaman nilang abogado ito ng Lolo Samuel niya. Ipinagbigay-alam nito sa kanila na patay na ang matanda. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang mga oras na iyon. Hindi naman siya nagtanim ng galit dito, kahit nga ang Mama niya ay ni kaparunggit ay hindi nakaramdam ng galit dito.
Bago raw ito namatay ay ipinahanap sila nito. Umaasa na makakahingi ito ng tawad sa kanila. Ngunit hindi naging madali para rito na matunton sila hanggang sa bawian na nga ito ng buhay. Inatake raw ito puso.
Sa will and testament na iniwan nito ay kasama siya sa pinamanahan nito. Nakasaad doon na pagtuntong niya ng dalawampu’t isa ay siya na ang mamamahala sa Sarmiento Construction. Sa dalawang anak nito, puwera pa sa kanyang ama ay bakit siya pa? Naitanong niya iyon sa abogado ngunit ang paliwanag nito ay may iniwan na raw ang lolo niyang negosyo sa mga ito.
Habang wala pa siya sa tamang edad ay ang kanang kamay muna nito ang hahawak sa kompanya. Iyon ang dahilan kaya hindi niya iniisip ang napipintong pagma-manage niya sa kompanya. Tutal, maganda naman ang pagpapatakbo ni Mr. Eugene Ramirez doon. But to his surprise, when he turned eighteen, personal siya nitong pinuntahan sa bahay nila para sabihing magsisimula na raw ang orientation niya sa paghawak sa kompanya. Nalaman din niya mula rito na bago namatay ang lolo niya ay ipinagbilin siya nito rito para magsilbi niyang gabay.
At sa susunod na buwan nga ay napapanahon na para gampanan niya ang tungkulin niya.
“Luis,
...