Essays.club - Get Free Essays and Term Papers
Search

Takot (fillipino)

Autor:   •  May 15, 2018  •  1,324 Words (6 Pages)  •  816 Views

Page 1 of 6

...

Iyon ang aking unang taon sa high school noong mga panahon na iyon, pero sa katagalan nalaman ko na wala naman talagang maling sagot. Para sa akin, wala tayo sa posisyon para masabi kung mababaw nga o hindi ang naging dahilan kung bakit nila pinili maniwala bigla sa Panginoon bago sila mamatay. Iba-iba ang motibo natin kung bakit tayo naniniwala sa isang relehiyon. Posibleng dahil iyon na ang ating kinalakihan o kaya naman dahil din sa takot natin sa ating mga magulang. Napilitan na lamang tayo dahil ito ang kagustuhan nila.

Ang huling sumagi sa aking isipan ay ang halos walang pagkakaiba ng mga naniniwala at di naniniwala sa Diyos. Maraming mga tao na nagsasabing Kristiyano sila ngunit ano ang ginagawa nila sa buhay nila? Di ba’t tulad lamang din naman ng mga di naniniwala? Na tila tulad lang din nila ang pamumuhay ng mga hindi naniniwala at saka na lamang babaling sa Panginoon kapag sila’y nasa dulo na ng kanilang mga buhay. Pero bilang isang kristyano kung tunay mo ngang tinanggap si kristo may pagbabago at hindi dahil takot ka lang. Maraming kadahilanan kung bakit tayo natatakot o kung bakit lagging may takot at nananatili ito sa atin. Siguro parte na talaga ito ng ating buhay, may pagkakataon na masaya tapos malungkot at natatakot ang tao. Patunay itong parang gulong lang ang ating buhay umiikot lang, paikot-ikot lang at balanse. Maaring may mga tao na nakakulong sa TakoT dahil hindi na ito nawalala, lahat tayo ay may kinakatakutan. Ngunit hindi tayo dapat magpadaig sa takot bagkus labanan natin ito. Ito ang sinabi ng aking ama sa tuwing ako raw ay nanatatakot “Sa panahong natatakot ka magdasal ka lang,”

Sa mga pagkakataon na tayo ay may problema at takot na nadarama nandyan ang Panginoon na tutulong upang makawala tayo sa TakoT upang maging buo ang ating loob at malagpasan ito. Manampalataya ka lamang at maniwala upang ang ikaw ay mas lumaki kaysa sa tAKOt.

“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.” -Isaias 41:10

...

Download:   txt (7.8 Kb)   pdf (41.8 Kb)   docx (13.1 Kb)  
Continue for 5 more pages »
Only available on Essays.club