Pamana
Autor: Tim • October 26, 2017 • 2,462 Words (10 Pages) • 627 Views
...
Wag mo akong alalahanin. Lagi kong alam ginagawa ko. Sige na.
(Aalis si JONAS, pupunta sa mga manonood. Ilang saglit pa ay papasok sa kabila ng stage ang mga pulis na pinangungunahan ni CARDO, GLEN at PHILIP. Kasama nila si ROSA, tila takot at nagdadalawang isip. Dahan-dahang ituturo ni ROSA si VICTORIO. Lalapitan ng mga pulis ang nakaupong si VICTORIO.)
GLEN
Ser, baka po pwedeng makaimbitahan kayo sa presinto, may mga itatanong lang sa inyo.
VICTORIO
Sa presinto? Ha! Saglit lang, bata. Tatapusin ko lang tong kape ko.
PHILIP
Ser, ayaw namin ng gulo.
(Hahawakan ni PHILIP si VICTORIO. Mabilis na tatayo si VICTORIO at akmang itututok ang baril sa mga pulis. Mabilis na itututok din nila GLEN at PHILIP ang kanilang mga handgun sa matanda.)
VICTORIO
Sabi nang! Uubusin ko nga lang eh!
(Matapos ang ilang sandali ng tensyon, si VICTORIO na mismo ang magbababa ng baril. Pakutya at pangiti pa niyang sasabihin ang susunod na linya.)
VICTORIO
Uubusin ko lang.
(Hindi ibababa ni GLEN at PHILIP ang baril. Magugulat sila dahil sa biglang pagpunta ni CARDO kay VICTORIO. Walang alinlangan niyang hahawakan at poposasan si VICTORIO habang ito’y nakatalikod. Mabagal at mala-action star niyang babanggitin ang susunod na linya.)
CARDO
Mawalang galang na, Manong. May impormasyon po kaming kayo ang pumatay sa agilang si Pamana.
At makakasiguro po kayo, hindi mauubos ang kape niyo sa headquarters.
(Mamatay ang ilaw.)
--------------------------------------END OF SCENE--------------------------------------
Scene 3: Paghihiwalay
Sa loob ng police headquarters.
(Sa bandang likod, may tig-isang mesa at upuan sa dalawang bahagi ng stage. May isang manipis na harang sa gitna. Nasa gitnang harap ng stage sina CARDO, GLEN at PHILIP. Nakaharap sila kay HEPE na nasa kabilang dulo.)
HEPE
Air rifle ang ginamit sa pagpatay kay Pamana. Walang tayong makitang match. Pati bala wala!
Yung baril na ginagamit niya, may mga papel. Ang meron lang tayo, Cardo,
ang salita ng isang babae laban sa kanya. Wala tayong kaso.
(Aalis ang HEPE.)
GLEN
O, Ano nang plano?
CARDO
May mali dito eh. Hindi ko maintindihan.
GLEN
Meron akong costume ng Big Bird diyan, galing pa sa birthday party ni Onyok.
Subukan mo kayang isuot, Cardo.
Tingnan natin, baka di siya makapagpigil na barilin ka.
PHILIP
Oo nga boss, di ba trip mo yung ganun para makahuli ng suspect! Haha!
CARDO
Tumigil nga kayong dalawa, puro kayo biro.
Philip, dalhin mo na nga lang dito si Victorio nang makausap.
(Lalabas si PHILIP sa kaliwang bahagi ng stage)
GLEN
Ikaw naman kasi, pards. Sabi nga ni chief, mahina ang kaso natin. Kung hindi natin mapapaamin yung si Manong… Hmm, sa tingin mo ba siya talaga ang hinahanap natin?
CARDO
Hindi ko alam. Pero nararamdaman kong pinapaikot lang niya tayo.
Ako kakausap kay Victorio. Ikaw na dito.
(Babalik si PHILIP kasama ang nakaposas na si VICTORIO. Papasok din sa kanang bahagi si ROSA.
Aalis si PHILIP. Maiiwang magkasama si CARDO at VICTORIO sa kaliwa, samantalang si GLEN at ROSA naman sa kanan. Unang magfofocus ang ilaw kina CARDO at VICTORIO)
VICTORIO
Nung isang araw pa ako nagtataka kung babae ba o lalaki itong tinatawag niyong Pamana. Ngayon ko lang nalaman, Hahaha! Ay ibon lamang pala!
CARDO
Labag sa batas manong ang pagpatay sa isang endangered species. Pwede kayong makulong ng labindalawang taon. Pwede pa kayong pagmultahin ng isang milyon.
VICTORIO
Hahaha! Mukha ba akong may isang milyon?
CARDO
Lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng batas, Manong Victorio.
VICTORIO
Batas na ginawa nino? Ng mga mayayaman mong kaibigan sa Maynila? Naiintindihan ba nila ang mga nangyayari sa atin?
CARDO
Sa atin? Napakalayo po natin sa isa’t isa manong.
VICTORIO
Kilala kita, SP01 Dalisay. Ikaw ang sikat na PROBINSYANO! Kung totoong galing kang probinsya, dapat naiintindihan mo ako. Napakahirap mamuhay ng mahirap, kung ang pagpatay ng isang ibon ay nangangahulugang pagkain sa -
CARDO
Ang ibon pong tinutukoy niyo ay pamana dapat sa susunod na henerasyon na mga Pilipino.
VICTORIO
Maiisip ko pa ba ang susunod na henerasyon kung walang makain ang pamilya ko?
CARDO
Pero hindi po ibig sabihing naghihirap kayo, eh kailangan niyo nang gumawa ng masama!
VICTORIO
...